Halos 300 kilo ng hinihinalang botcha na pork ribs, nasabat sa isang palengke sa Maynila
Aabot sa mahigit 263 kilo ng hinihinalang botcha na pork ribs ang nasabat ng Manila Veterinary Inspection Board sa New Antipolo market sa Blumentritt.
Ayon kay Dr. Nick Santos ang hepe ng Manila VIB, nagsasagawa ng routine inspection ang kanilang mga tauhan kasama ang enforcement team ng National Meat Inspection Service (NMIS) kaninang madaling araw sa nasa palengke ng mapansin ang mabahong amoy.
Nang titigan nila ang mga pork ribs nakita din ang ibang kulay nito.
Bukod rito, hindi rin aniya tama ang storage sa mga karne.
Sinabi ni Santos na isa itong malinaw na paglabag sa Republic Act 10611 o ang Food Safety Act at Republic Act 10536 o “Meat Inspection Code of the Philippines.”
Tiniyak naman ni Santos na mas pinaigting nila ang kanilang kampanya ngayon laban sa nga tiwaling indibidwal na manamantala sa publiko lalo na sa mga Manilenyo.
Dr. Nick Santos, Chief Manila Veterinary Inspection Board:
“The VIB Enforcement squad team is intensifying its campaign against unscrupulous individuals who will take advantage of the holiday season for their illegal activities, victimizing the consuming public, particularly our Manileños”.
Ulat ni Madz Moratillo