Implementasyon ng National ID, madedelay dahil sa kawalan ng budget
Pinatatapyasan na ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pondo para sa Greening program ng gobyerno sa susunod na taon.
Ito’y para may magamit sa implementasyon ng National Identification system.
Aminado si Lacson na madedelay ng implementasyon ng National ID dahil walang nakalaang pondo para dito sa 2020.
Sa naturang batas, target ng gobyerno na magkaroon ng National ID ang may 110 milyong Filipino pagsapit ng 2022 para maresolba ang problema sa katiwalian sa implementasyon ng mga multi-billion peso social programs ng gobyerno tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Universal Health Care.
Pero 2.4 billion lang ang inilaang pondo para dito ngayong 2019 habang zero ang pondo para sa 2020 dahilan kaya nadelay ang procurement ng ilang mga materyales.
Isa sa nakikitang pondo ni Lacson ang 3.3 billion mula sa greening program at pagtapyas sa budget ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa underspending.
Ulat ni Meanne Corvera