Pangunahing akusado sa Maguindanao massacre na si Zaldy Ampatuan, nasa ospital pa rin
Hindi pa rin nakakalabas sa ospital si dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na isa sa mga pangunahing akusado sa kaso ng Maguindanao massacre.
Sa liham ng Bureau of Jail Management and Penology kay Quezon City RTC branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes, sinabi na naka-confine pa rin sa Makati Medical center at sumasailalim sa therapy si Ampatuan.
Isinugod sa sa ospital si Ampatuan matapos ma-stroke noong Oktubre.
Nakasaad pa sa sulat na batay sa diagnosis ng mga doktor kay Ampatuan, mayroon din itong diabetes, hypertension at chronic atrial fibrillation.
Sa Disyembre inaasahang ipapalabas ng Korte ang hatol sa dating Gobernador, sa kapatid nitong si Andal Ampatuan Jr at sa iba pang akusado sa karumal-dumal na pagpatay sa 58 katao kabilang na ang 32 mamamahayag.
Ulat ni Moira Encina