Banat ng mga kritiko sa pagsibak kay VP Robredo bilang Anti- Illegal Drug czar inaasahan na ng Malakanyang
Inaasahan na ng Malakanyang ang banat ng mga kritiko sa naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagsibak kay Vice President Leni Robredo bilang Co-chair nang Inter-agency Committe on Anti-illigal Drugs o ICAD.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kahit anong gawin ng Pangulo ay wala naman nakikitang maganda ang mga kritiko sa mga ginagawa nito para sa bayan.
Ayon kay Panelo kabaliktaran umano ang mga sinasabi ng mga kritiko sa mga feedback mula sa mga publiko kung saan 85% sa mga Pinoy ay nakikita ang sinseridad ng Pangulo sa paglaban nito kontra sa salot na droga.
Inihayag ni Panelo hindi rin umano nakikita ng mga taga oposisyon na maraming mga Filipino ang nagsabing malaki na ang pinagkaiba simula noong umupo si Pangulong Duterte sa pwesto kabilang na ang pagbaba ng antas ng kriminalidad.
giniit ni Panelo na marami din umano sa ating mga kababayan ang nagsasabing mas ligtas na silang maglakad sa mga lansangan di tulad noon na naglipana ang mga kriminal sa kalsada.
Secretary Panelo’s statement:
“Critics will always be giving criticisms; they will never see anything good with what this President is doing. But the Filipino people 85% of them have seen true the sincerity of this President, they have seen how he was able to curb the drug menace; they can walk on the streets, unlike before; criminality rate has gone down. They have seen this kind of President we have, which we have not seen for so many, many years”.
Ulat ni Vic Somintac