Pagsasanay ng mga atletang Pinoy para sa Sea games, puspusan na
Puspusan ang ginagawang pagsasanay ng mga atletang Pinoy na sasabak sa 30th Southeast Asian games.
Kabilang na rito ang mga magiging pambato ng Pilipinas sa arnis.
Binalewala ng mga atleta ang mga batikos at negatibong isyu hinggil sa pagkain at hindi umano maayos na accomodation ng Pilipinas dahil naka-focus sila na masungkit ang gintong medalya.
Kanina, nagsagawa ng synchronized demo sa Senado kasama si Senador Juan Miguel Zubiri na idineklarang World champion sa arnis noong 1989.
Si Zubiri ang kasalukuyang Presidente ng Philippine Eskrima Kali Arnis federation at isa sa mga managers ng mga atleta.
Ulat ni Meanne Corvera