Dagdag umento sa sahod ng mga nurse maaaring mailabas na sa susunod na taon
Kung mailulusot sa Bicameral conference committee, maaaring mailabas na sa Enero ng susunod na taon ang umento sa sahod ng mga Government Nurses.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, naipasok na sa Senate version ng 4.1 Trilyong pisong 2020 National Budget ang alokasyon para dito.
Si Lacson ang isa sa mga nagsulong ng amyenda para maibigay ang wage hike ng mga Government nurses.
Sa probisyon ng Senado sa Pambansang Pondo “Increasing the Salary Grade of Government Nurses,” magiging Salary Grade 15 o katumbas ng (P30,531 ang buwanang base pay ng government nurses, sang-ayon sa utos ng Korte Suprema.
Ayon kay Lacson, ang kakailanganing pondo para maipatupad ang utos ng Korte Suprema ay manggagaling sa inilaang pondo para sa staffing modifications at upgrading of salaries.
Ulat ni Meanne Corvera