17 Chinese national na iligal na nagtitinda sa Divisoria, arestado ng Bureau of Immigration
Timbog ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa isang malawakang raid ang 17 Chinese nationals na iligal na nagtitinda sa Divisoria sa Maynila.
Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., inaresto ang mga dayuhan matapos mahuling nagbebenta ng mga gulay at iba pang produkto nang walang kaukulang Immigration visas o permits.
Kasama rin sa inaresto ang tatlong Pinoy pero pinakawalan din ng BI matapos makapagprisinta ng patunay na sila ay Filipino citizens.
Ikinasa ang operasyon sa bisa ng Mission order matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga Pinoy vendors sa lugar.
Dinala sa BI Detention facility ang mga Chinese habang hinihintay ang kanilang deportation proceedings.
Binalaan ng BI ang mga dayuhan na huwag samantalahin ang holiday rush para sa kanilang iligal na gawain at sundin ang mga batas ng Pilipinas para sila ay hindi maipadeport.
Ulat ni Moira Encina