Judiciary help desk inilunsad ng Korte Suprema
Pinangunahan ni Chief Justice Diosdado Peralta ang paglulunsad ng Help desk ng Hudikatura.
Ang Judiciary Public Assistance section o tinatawag ding Judiciary Help desk ay brain child ni Peralta at bahagi ng kanyang 10-point program bilang Punong Mahistrado.
Layon ng help desk na mas mapalapit ang mamamayan sa Hudikatura.
Tiniyak ni Peralta na magiging confidential ang mga matatanggap na tanong o sumbong at dapat masagot ang mga katanungan sa loob ng 15 araw.
Ang mga hotline numbers na maaring tawagan ay (02) 8526- 6185, (02) 8552-9644 at (02) 8552-9646.
Pwede ring mag – email sa [email protected].
Si Peralta ang sumagot sa kauna- unahang tawag sa Help Desk hotline na mula sa media na nagtanong kung papayagan ba ang live coverage ng promulgasyon sa Maguindanao massacre case.
Binubuo ng tatlong unit ang JPAS na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the Chief Justice.
Ang mga ito ay ang Help Desk unit na matatagpuan sa ground floor building ng SC Centennial building sa Padre Faura street sa Maynila, at ang hotline unit at ang email messaging unit na nasa Office of the Chief Justice.
Bukas ang mga ito ng Lunes hanggang Biyernes mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon maliban kung Holidays.
Ulat ni Moira Encina