Bangko Sentral ng Pilipinas, pormal nang ipapakita sa publiko ang bagong 20 piso na barya at binagong 5 pisong barya
Nakatakda nang ipakita sa publiko ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang bagong 20 pesos na barya at binagong 5 pisong barya sa Martes.
Sa abiso ng BSP, pangungunahan ni BSP Governor Benjamin Diokno ang paglulunsad ng 20-peso coin at 5 peso coin sa Intramuros room sa Executive Business center ng BSP Building.
Ginawa ng BSP ang hakbang kausnod ng isang pag-aaral sa Uuniversity of the Philippines kung saan nabatid na abilis na nasisira at pinapalitan ang 20 pesos na papel dahil sa io ang pinakaginagamit na pera sa mga transaksyon sa bansa.
Sinabi ng BSP na mas cost-efficient ang pagproduce ng baryang 20 pesos kaysa papel.
Tiniyak din ng BSP na madaling makikilatis ang pagkakaiba ng 20 pesos na barya sa mga kasalukuyang coins sa bansa.
Sa oras na umpisahan na ikalat s abansa ang 20 peso coin ay unti-unti na ring mawawala sa sirkulasyon ang 20 pesos na papel.
Ulat ni Moira Encina