Korte Suprema, inilabas na ang pinal na listahan ng media na pinayagang mag-cover sa Maguindanao massacre case ruling

Inilabas na ng Supreme Court Public Information Office ang pinal na listahan ng mga mamamahayag na pinayagan na mag-cover sa promulgasyon ng desisyon sa kaso ng Maguindanao massacre sa December 19.

Kabuuang 76 na media men at crew ang binigyan ng akreditasyon na makapasok sa loob ng Camp Bagong Diwa at Metro Manila District jail annex 2.

Ang mga nasabing accredited media ay pupuwesto sa itinalagang media working area  sa loob ng BJMP.

Kabilang sa mga pinahintulutan na mag-cover sa Ampatuan Massacre case ruling si PCOO Secretary Martin Andanar, Presidential Task Force on Media Security Executive Secretary Joel Egco at ilang miyembro ng National Press Club at Foreign Correspondents Association of the Philippines.

May hiwalay din na miyembro ng media at mga crew na pinayagan na makapasok sa compound ng Camp Bagong Diwa pero hindi na sa media room sa BJMP.

Muling pinaalala ng SC PIO sa mga accredited media na bawal magdala ng video cameras sa loob ng BJMP.

Gayunman pinahintulutan ang pagdadala ng mga smart phones, chargers, laptops, at live u unit.

Ulat ni Moira Encina


Please follow and like us: