Special commercial courts itinalaga ng Korte Suprema bilang competition courts
Epektibo ngayong Enero, Competition courts na ang mga Special Commercial Courts na tinukoy sa Republic Act 10667 o Philippine Competition Act.
Sa resolusyon ng Supreme Court en Banc, itinalaga bilang competition courts ang mga special commercial courts na didinig, lilitis at magpapasya sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa Philippine Competition Law.
Sa ilalim ng Section 3 ng nasabing batas, inotorisa nito ang mga Special Commercial Courts sa Quezon City, Maynila, Makati City, Pasig city, Cebu city, Iloilo city, Davao city at Cagayan de Oro city na aksyunan ang mga aplikasyon para sa pagiisyu ng inspection order para sa mga imbestigasyon ng Philippine Competition Commission.
Ayon sa Korte Suprema, dahil sa commercial nature ng mga competition cases at ang kapangyarihan para magpalabas ng mga search at inspection orders para sa mga paglabag sa Philippine Competition Law ay nasa special commercial courts ay marapat lang na italaga ito bilang mga competition courts.
Ulat ni Moira Encina