4.1 Trilyong pisong 2020 National Budget, pipirmahan ngayong araw ni Pangulong Duterte sa Malakanyang
Lalagdaan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2020 national budget na naglakahalaga ng 4.1 trilyong piso.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na abangan na lang ang desisyon ni Pangulong Duterte kung mayroon siyang ibi-veto na item sa National Budget.
Ayon kay Panelo malinaw ang posisyon ng Pangulo na anumang labag sa batas na probisyon ng pambansang pondo ay hindi palulusutin ng Punong Ehekutibo lalo na ang insertion ng pork barrel.
Magugunitang noong 2019 national budget ay ginamit ni Pangulong Duterte ang kanyang line veto power kaya nabasura ang 95 bilyong pisong ilegal na isiningit sa pambansang budget.
Ulat ni Vic Somintac