Standby funds para sa evacuation ng gobyerno sa mga filipino sa Iran at Iraq, handa na ayon sa Department of Budget and Management
Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na handa na ang pondo na magagamit ng gobyerno para sa mass evacuation ng mga Filipino sa Iran at Iraq.
Sa economic press briefing sa Malakanyang sinabi ni Budget Assistant Secretary Rolando Toledo na mayroong 1.29 bilyong pisong pondo ang Department of Foreign Affairs para sa repatriation program.
Ayon kay Toledo mayroon ding kabuuang 600 milyong pisong budget ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA para sa mga Overseas Filipino Workers o OFWS na nangangailangan ng tulong.
Inihayag ni Toledo handa na ang standby funds anumang oras na gamitin ito ng gobyerno para sa ikinakasang evacuation sa mga Filipinong naiipit ngayon sa away ng Amerika at Iran.
Sa ngayon ay nasa Alert level 4 ang sitwasyon sa Iran at Iraq kaya magpapatupad na ng force evacuation sa mga Filipino matapos atakehin ng missile ng Iran ang dalawang US air base sa Iraq.
Ulat ni Vic Somintac