DOLE, magpapadala ng mga Senior officials at Rapid response teams sa mga bansa sa Middle East sa harap ng tumitinding tensyon sa pagitan ng US at Iran
Inilatag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga plano nito para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWS) sa Middle East na maaaring madamay sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran.
Ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, sa susunod na linggo ay magtutungo ang ilang senior labor officials at rapid response teams sa Saudi Arabia, Kuwait, Lebanon at United Arab Emirates para sa posibleng repatriation ng mga Pinoy workers doon sakaling lumala pa ang sitwasyon sa pagitan ng US at Iran.
Sisikapin aniyang himukin ng mga opisyal ang mga OFWs na lumikas at maging ang kanilang employers ay kakausapin na pauwiin na ang mg Pinoy workers.
Sa datos ng DOLE, mahigit 200 milyong OFWs ang nasa Middle East o mga nasa Saudi Arabia, Kuwait, UAE, Bahrain, Qatar, Oman, Lebanon kasama ang Israel pero maaaring dumoble pa ang bilang nito dahil sa mga undocumented.
Inihayag din ni Bello na gagamitinng DOLE ang 100 million pesos na repatriation fund.
Para naman sa mg Pinoy workers sa Iran at Iraq na walang Labor attache ang Pilipinas ay DFA at si Environment secretary Roy Cimatu aniya ang direktang mag-aasikaso sa paglilikas sa mga ito.
Isinasaayos na rin ng DOLE ang mga alternatibong employment oppurtunities sa China, Russia, Canada, Germany at Japan sakaling irepatriate ang lahat ng dalawang milyong OFWs sa Middle East.
Tiniyak pa ng opisyal na mayroon ding alternatibong livelihood programs na inihahanda ang DOLE at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa mga mare-repatriate na OFWs.
Ulat ni Moira Encina