Dating Senador Bongbong Marcos, muling sasabak sa National Elections sa 2022 pero isang Political Analyst, iginiit na dapat niyang i-withdraw ang poll protest laban kay VP Robredo
Plano ni dating Senador Bongbong Marcos na sumabak muli sa National position sa 2022 elections.
Gayunman, hanggang ngayon ay hindi pa umano nakakapagpasya kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan.
Biro pa ni Marcos puwede siyang tumakbo sa pagka-Kongresista, Senador kahit pa sa pagka-Gobernador ng Ilocos Norte.
Sa isyu naman ng lumulutang na posibleng tambalang Marcos at Senador Manny Pacquiao….nagbiro ang dating Senador na hindi talaga maiwasan ng ilan na gumawa ng mga ispekulasyon.
Sa ngayon, tuloy tuloy parin umano si Marcos sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Giit ni Marcos, anuman ang maging kahinatnan ng kanyang poll protest laban kay Vice President Leni Robredo ay tuloy ang kanyang pagtakbo.
Pero sakali mang abutin ng election period para sa halalan sa 2022 ang poll protest ni Marcos laban kay Robredo, sinabi ng isang kilalang abogado na si Atty. Pacifico Agabin na kailangang i-withdraw ni Marcos ang kanyang protesta sa ginanap na 2016 Vice Mayoralty race.
Ulat ni Madelyn Moratillo