25,000 hanggang 15 milyong pisong emergency loan assistance, iniaalok ng Agriculture Department sa mga distressed OFW
Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na may nakahandang emergency loan assistance para sa mga Overseas Filipino Workers na naapektuhan ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Agriculture secretary William Dar, ito ay sa pamamagitan ng Agricultural Credit and Policy Council (ACPC) ng ahensya.
Paliwanag ni DAR, ang mga interesadong OFW ay maaaring makapag-avail ng paunang 25,000 pesos loan assistance, zero interest at maaaring bayaran sa loob ng limang taon.
Paglapag pa lamang aniya sa paliparan ay bibigyan na ng guidelines para sa nasabing loan assistance ang mga OFW para sa mga requirements.
Samantala, para naman sa mga nais umutang ng mas malaking halaga, mayroon pa silang ibang credit facility na inilunsad para sa mga OFW.
Binigyang-diin ni DAR na ito ay special at simplified loan process para sa mga distressed OFW at madali lamang ang proseso.
“Merong iba’t-ibang credit facility na pwede silang umutang ng mas malaki na tinatawag na micro and small entrepreneurship loan program na pwedeng makautang ng hanggang 15 million pesos, zero interest at payable in 5 years”.