Phivolcs, tinukoy ang 2 bagay na pinagmumulan ng lindol sa paligid ng Taal volcano
Dalawang dahilan ng pinagmumulan ng patuloy na volcanic earthquake sa paligid ng Taal Volcano.
Sa Laging Handa briefing sa Malakanyang sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOLCS Director Renato Solidum na dalawang dahilan ang pinagmumulan ng volcanic earthquake sa paligid ng Taal volcano.
Ayon kay Solidum unang dahilan ay ang patuloy na paggalaw ng Magma sa loob ng bulkan paakyat sa crater at ang pangalawa ay pag-akyat ng Magma na nanggagaling sa mas malalim na bahagi ng bulkan.
Inihayag ni Solidum ito ang dahilan kaya patuloy na nakataas ang alert level 4 sa loob ng 14 kilometers permanent danger zone.
Niliwanag ni Solidum na hindi maiaalis ang posibilidad na magkakaroon ng big bang o malaking pagsabog ang Taal volcano.
Inamin ni Solidum na hindi pa masasabi ng PHIVOLCS kung hanggang kailan tatagal ang pag-aalburuto ng Taal volcano.
Ulat ni Vic Somintac