Halos 12 bilyong pisong kita, naitala ng Immigration Bureau noong 2019
Umabot sa halos 12 bilyong piso ang kita ng Bureau of Immigration noong 2019.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kabuuang 11.9 billion pesos ang naitalang revenue collection ng kawanihan noong nakaraang taon na 29 percent na mas mataas kumpara noong 2018.
Naniniwala ang opisyal na ang record high income ng BI ay bunsod ng mga reporma at programa ng pamahalaang Duterte na umakit sa maraming dayuhan na bumisita at magnegosyo sa bansa.
Aniya kung mas maraming dayuhang turista sa bansa ay magreresulta ito sa mas maraming kita sa gobyerno.
Umaasa si Morente na ngayong 2020 ay muling tataas ang kita ng BI bunsod ng mga improvement sa serbisyo at programa nila.
Mahigpit din ang pagmonitor ng BI sa koleksyon nito mula sa main office at mga field extensions at satelitte offices para matiyak na fully accounted at nareremit ang lahat ng kita sa pamahalaan.
Ayon sa BI Finance, ang mga immigration fees ng mga banyaga ay ipino-proseso electronically at iniisyuhan ng computerized official receipts.
Ulat ni Moira Encina