Pagsasagawa ng mga concert at iba pang malakihang pagtitipon, inirekomenda ng DOH na ipagpaliban muna dahil sa banta ng 2019 NCov
Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan muna ang pagdalo, pakikibahagi at pag-organize ng mga pagtitipon o events gaya ng mga concert.
Kasunod parin ito ng banta ng 2019 Novel Coronavirus.
Sa isang health advisory na pirmado ni Health Secretary Francisco Duque III inirekumenda nito ang kanselasyon ng mga malakihang events.
Paliwanag ni Duque, layon nito na mabawasan ang posobilidad na kumalat pa ang NCoV-ARD.
Bukod sa pag-iwas sa mga matataong lugar at aktibidad, pinapayuhan ni Duque ang lahat na ingatan ang sarili.
Nitong weekend sa kabila ng banta ng 2019 NCov, itinuloy pa rin ang concert ng isang K-Pop group habang ang kinansela naman ang concert ng isa pang KPop group bilang pag iingat sa banta ng virus.
Samantala, nagset-up na ang DOH ng Command Center na nakatutok lamang sa 2019 nCoV para sa maa mabilis na koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno na kasama sa response and management efforts.
Tiniyak naman ng DOH sa publiko na lahat ng mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng NCoV-ARD ay inaalam, pinag-aaralan at ang iba ay ipinatutupad na para sa kaligtasan ng lahat.
Ulat ni Madz Moratillo