Appointment ni General Filemon Santos bilang bagong Chief of Staff ng AFP lusot na sa Commission on Appointments
Inaprubahan na ng Commission on Appointments ang Promotion at Ad Interim appointment ni General Felimon Santos Jr. bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Walang humarap humarap sa appointment ni Santos nang isalang ito sa Plenaryo kanina.
Sa pagsalang sa CA, tiniyak ni Santos na handa ang Sandatahang lakas ng Pilipinas na punan ang anumang mawawalang suporta o serbisyo mula sa Estados Unidos.
Kasunod ito ng desisyon ng Malacañang na tuluyan nang mapawalang-bisa ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at US.
Sinabi ni Santos na iginagalang ng Sandatahang Lakas ng desisyon ng Pangulo ay wala namang sundalo ang demoralisado sa pagkaka-kansela ng VFA.
Katunayan, pinaghahandaan nila ngayon ang engagement sa iba pang kaalyadong bansa ng Pilipinas gaya ng South Korea, Australia at Indonesia.
Bukod kay Santos, inaprubahan ng CA ang promotions ni Commodore Luzviminda Camacho, ang kauna-unahang star ranked sa Philippine Navy.
Ulat ni Meanne Corvera