Domino effect ng trading status ng China dahil sa epidemya ng Coronavirus, maaaring maramdaman din sa pandaigdigang pangkalakalan-Malakanyang
Maraming mga bansa sa buong mundo ang hindi malayong madamay sa nangyayari ngayong sitwasyon hinggil sa trading status ng China dahil sa corona virus.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, may pagbabawas ng operasyon sa mga pabrika ngayon sa China habang ang ibang mga blue at white collar jobs ay sa bahay na lamang nagtatrabaho,
Sinabi ni Andanar na dahil sa nagaganap na scale down, hindi malayong may hagip ito sa global economy lalo na’t ang 30 porsiyento ng manufactured goods sa buong mundo ay nanggagaling sa China.
Inihayag ni Andanar hindi maiiwasang magkaruon ng domino effect ito sa mga bansang may malaking kalakalan sa China.
Umaasa si Andanar na sanay ay matapos na ang krisis na dulot ng epidemya dahil malaki ang dagok nito sa ekonomiya sa buong daigdig.
Ulat ni Vic Somintac