International Court of Justice, walang hurisdiksyon sa hirit ng mga OFWs na bawiin ang travel ban sa Hongkong
Walang hurisdiksyon ang International Court of Justice (ICJ) sa mga usapin ng Public health at migration na puwede namang tugunan ng pamahalaan at kaukulang International agencies.
Ito ang iginiit ni Justice secretary Menardo Guevarra sa harap ng pagdulog sa ICJ ng mga OFWs na ipabawi sa gobyerno ng Pilipinas ang travel ban sa Hongkong dahil sa Covid-19.
Ayon kay Guevarra, hindi aaksyunan ng ICJ ang mga isyu na kaya namang resolbahin ng mga National governments at ng sariling nitong Hudikatura.
Paliwanag pa ng kalihim mayroong sole prerogative ang gobyerno na magpatupad ng travel restriction dahil ito ang nakakaalam kung sa ano ang mas makakabuti sa sarili nitong mamamayan.
Sa apela ng nasa 1,000 OFWs sa ICJ, sinabi na unfair ang travel ban at nilabag ang karapatan nilang makabiyahe at magtrabaho abroad.
Ulat ni Moira Encina