ABS-CBN, tinawag na overboard at vague ang nais na Gag order ng Office of the Solicitor-General
Vague raw kung sinu-sino ang sakop ng Gag order na hinihiling ng Office of the Solicitor General kaugnay sa Quo Warranto case para ipawalang-bisa ang prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon sa komento ng TV network na isinumite sa Korte Suprema, hindi malinaw kung ang ‘Persons acting on their Behalf’ na ginamit ng OSG ay tumutukoy rin ba sa mga taong nagpapahayag ng pagpabor o pagkontra sa kumpanya.
Ipinunto pa ng ABS-CBN na ang republika na kinakatawan ng OSG sa petisyon ay kabilang ang Filipino.
Ibig sabihin din anila ba ay sakop ng gag order ang buong sambayanang Filipino.
Sinabi pa ng higanteng network na lilikha ng chilling effect ang gag order sa taumbayan dahil pinagbabawalan nito ang lahat ng uri ng diskusyon sa merito ng kaso.
Paliwanag pa ng network mahirap din na ipatupad ang gag order dahil may karapatan ang mga kawani nila na magsalita at hindi rin madali imonitor ang mga pahayag ukol kaso.
Ulat ni Moira Encina