No touch policy kay Pangulong Duterte ipatutupad ng PSG
Ipatutupad na ng Presidential Security Group o PSG ang No Touch policy kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante III ito ang napagkasunduan sa emergency contingency meeting sa malakanyang bilang tugon sa Coronavirus disease o Covid-19.
Ayon kay Durante, sinumang personalidad, dignitaries o mga pulitiko pati na ang mga psg personnel na lalapit kay Pangulong Duterte ay sasailalim sa matinding screening at testing sa anumang uri ng sakit na may kaugnayan sa Covid-19.
Inihayag ni Durante patuloy naman ia-assess ng PSG ang mga pagtitipon kung saan magsisilbing guest of honor at speaker ang Pangulo at kakanselahin kung may pangangailangan para matiyak ang kaligtasan ng Punong Ehekutibo pati na ang mga attendees.
Idinagdag ni Durante, mahigpit din na babantayan ng PSG ang First family.
Patuloy din aniyang ipatutupad ang heath protocols at preventive measures sa buong Malacañang complex kung saan sumasailalim sa thermal scanner ang sinumang pumapasok sa palasyo at pinapag -fill up ng health declaration form.
Ulat ni Vic Somintac