Malakanyang kinundena ang ang pag- atake ng Abu Sayyaf group sa Patikul, Sulu
Mariing kinundena ng Malacanang ang ginawang pag- atake ng Abu Sayyaf group laban sa tropa ng pamahalaan sa Patikul, Sulu na nauwi sa pagkamatay ng 11 sundalo at pagkasugat ng 14 na iba.
Ang umatakeng mga bandido ay pinaniniwalang mga tauhan nina ASG leader Radullan Sahiron at Hatib Hadjan Sawadjaan na wala na umanong pinipiling pagkakataon sa kanilang paghahasik ng terorismo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito na ang ikalawang enkwentro ng tropa ng militar sa teroristang grupo na kung saan, nangyari ang unang sagupaan noong Huwebes April 16 na ikinasugat ng tatlong sundalo.
Sinabi ni Roque na nakahanda ang tropa ng pamahalaan na durugin ang naturang kalaban ng estado at pigilan ang anomang paghahasik ng gulo sa harap ng may kinakarap na krisis at Public health emergency ang bansa.
Ipinaabot naman ng Office of the President ang pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng mga nasawing sundalo.
Ulat ni Vic Somintac