IATF, doble-kayod sa ginagawang evaluation sa rekomendasyon kay Pangulong Duterte kaugnay ng pagtatapos ng Luzonwide ECQ sa April 30
Double time ang ginagawang evaluation ng Inter Agency Task Force o IATF hinggil sa rekomendasyon kay Pangulong Duterte kaugnay ng ipapatupad na patakaran ng gobyerno pagkatapos ng Luzonwide Enhance Community Quarantine o ECQ na magtatapos sa April 30.
Sinabi ni IATF Spokesman Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na isinasapinal na ang rekomendasyon kay Pangulong Duterte.
Batay sa report bukas April 23 ay maglalabas ng pasiya si Pangulong Duterte kung aalisin na, o palalawigin pa ang ECQ pagkatapos ng April 30.
Ayon kay Nograles binubuo na rin ang bagong guidelines sa ipatutupad na new normal pagkatapos ng April 30 ECQ.
Inihayag ni Nograles na lahat ng rekomendasyon ng IATF ay nakabatay sa science base model na posibleng panatilihin ang ECQ sa mga lugar na mataas ang kaso ng covid 19 para maipatupad ang estratihiyang locate, isolate and cure upang tuluyang makontrol ang pagkalat ng Covid-19.
Ulat ni Vic Somintac