Justice Sec Menardo Guevarra pinagtibay ang resolusyon ng Board of Pardons and Parole para sa pinasimpleng requirements at procedure sa pagproseso ng mga aplikasyon sa Parole at Executive clemency
Inaprubahan na ni Justice secretary Menardo Guevarra ang resolusyon na nagpapasimple sa mga requirements at procedure sa pagproseso ng aplikasyon para sa Parole at Executive clemency.
Sa resolusyon ng Board of Pardons and Parole, inalis na ang karamihan sa mga documentary requirements para sa Parole at Executive clemency applications maliban sa Court certifications of no Pending case and No pending appeal at pagcheck ng records ng PDL sa National Bureau of Investigation.
Sa ilalim din ng resolusyon, pinapadoble ang bilang ng case load para sa review at deliberasyon ng BPP sa mga pulong nito upang mapabalis ang pagproseso ng mga aplikasyon.
Hindi na rin obligado ang mga parolees at pardonees na magreport sa parole at probation offices habang nasa ilalim ng State of National Emergency ang bansa.
Nilinaw sa resolusyon na aplikable lamang ang simplified requirements and procedures sa mga PDLs na kwalipikado sa parole o clemency.
Kabilang dito ang 65 years old pataas na napagsilbihan na ang hindi bababa sa 5 taon ng sentensya nila o kaya sa mga inmate na ang continued imprisonment ay makasasama sa kalusugan batay sa sertipikasyon ng doktor.
Hindi sakop ng resolusyon ang mga heinous crimes convicts o may kasong iligal na droga at itinuturing na high risk ng Bureau of Corrections.
Ulat ni Moira Encina