Philippine Red Cross bumili ng mga bagong makina para mapabilis ang pagsusuri sa mga Covid-19 suspect
Bumili na ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga karagdagang testing machine at mga testing kits para tumulong sa gobyerno na mapabilis ang pagsusuri sa mga posibleng carrier ng coronavirus disease.
Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng PRC, nakikipag-usap na sila sa Philippine Airlines para mag-charter ng flights at sa Department of National Defense para magamit ang kanilang C-130 para kunin ang mga equipment sa Changsha city sa China.
Kabilang sa mga bagong equipment na binili ng PRC ang anim na RNA extraction machine, mga testing kits at mga swabs para sa karagdagang molecular laboratory ng PRC sa buong bansa
Target ng PRC na bukod sa Metro Manila, makapaglagay ng kanilang mga laboratory sa mga lalawigang na may mataas na kaso ng Covid-19 para tulungan ang Department of Health sa pagsusuri.
Kung masusuri kasi aniya ang lahat ng Covid suspect, maaari na silang ma- isolate para hindi na magkaroon ng human transmission.
Ulat ni Meanne Corvera