Voters registration suspendido pa rin kasunod ng pagpapalawig sa ECQ
Pinalawig ng Commission on Elections ng hanggang sa Hunyo 30 ang suspensyon ng voters registration at lahat ng voter registration activities.
Ayon kay COMELEC Executive Director Bartolorme Sinocruz, ito ay kasunod ng pagpapalawig pa sa umiiral na Enhanced Community Quarantine hanggang Mayo 15 sa NCR, Region 3, Calabarzon at iba pang high risk areas dahil sa Covid 19.
Ayon kay Sinocruz ang suspensyon ng Voters registration ay iiral sa buong bansa kabilang ang mga tanggapan ng Comelec at mga satellite registration site.
Ito na ang ikatlong suspension ng pagpapatuloy sana ng voters registration dahil sa Covid 19.
Matatandaang Marso 9 pa lang ay sinuspinde na ang voter’s registration hanggang Marso 30.
At noong Marso 27, ay napagdesisyunan ng Poll body na palawigin ang suspenyon hanngang Abril 30.
Dagdag pa ni Sinocruz, ang suspensyon ngayon ay magbibigay panahon din sa Comelec para makapaglagay ng anti-COVID-19 measures sakaling muling ipagpatuloy na ang voters registration.
Ulat ni Madz Moratillo