Pagbabawal sa pagpasok sa Metro Manila ng mga Provincial buses, mas mataas ang tsansang mahawa ng virus-PBOAP

Hindi pabor ang Provincial Bus Operations Association of the Philippines (PBOAP) sa panuntunan ng Department of Transportation (DOTR) na ipagbabawal pumasok sa Metro Manila ang mga Provincial buses ngayong nasa General Community Quarantine na ang National Capital Region (NCR).

Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni  Alex Yague, PBOAP Director, mas mapanganib ang tsansang makakuha ng virus ang mga mga mananakay dahil palipat-lipat ng sasakyan.

Halimbawa aniya ang isang pasahero ay nagmula sa Norte at bumaba sa Valenzuela at sasakay uli ng isa pang pampasaherong sasakyan, ay maaari siyang makakuha ng sakit dahil sa dami ng makakasalamuha.

Aniya, kung dederecho na lamang sana sa terminal ng mga bus mismo ay mas mababantayan pa nila ang kalusugan ng mga mananakay.

 

Lahat ng mga lugar sa probinsiya, pagsasama-samahin mo sa iisang lugar sa labas ng Maynila, maaaring ang pinanggalingan niyang syudad o probinsiya ay nahawa yung pasahero dun at lumipat siya ng isa pang bus papasok ng Maynila, mas malaki ang pagkakataong makahawa pa siya ng ibang tao. Dapat unang isipin ay kapakanan ng pasahero”.- PBOAP Director Alex Yague

 

 

Please follow and like us: