Bucor, walang naitalang bagong kaso ng Covid-19 sa mga Prison at Penal farms nito
Walang bagong kaso ng Covid-19 na naitala sa lahat ng kulungan at Penal farms na nasa pangangasiwa ng Bureau of Corrections.
Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, ito ay batay sa ulat mula sa Bucor as of June 15.
Sa pinakahuling datos ng Bucor, kabuuang 301 inmates at Bucor personnel ang nahawahan ng virus.
Pinakamarami sa mga Covid cases ay mula sa New Bilibid Prisons na 141 Persons Deprived of Liberty at 38 tauhan.
Ang nalalabing kaso ay mula sa Correctional Institution for Women na 82 PDLs at pitong Personnel at mula sa Bucor National Headquarters na 33 staff.
Nananatiling Covid free ang iba pang Penal farms at colonies ng Bucor.
Nakarekober na rin sa Covid ang 145 Covid patients habang 16 ang pumanaw.
Kaugnay nito, iniulat ng Bucor na 61 pang PDLs sa Bilibid ang tuluyan nang gumaling sa sakit at nakalabas sa Site Harry Isolation facility.
Pinayagan nang makabalik ang mga pasyente sa kani kanilang kampo at dormitoryo sa NBP matapos magnegatibo sa swab test.
Sa nasabing bilang, isa ay mula sa medium security camp; lima mula sa building 14; 13 mula sa NBP-RDC at 42 mula sa Maximum security camp.
Ulat ni Moira Encina