Bed capacity ng mga hospital sa Cebu City para sa mga Covid -19 patient, pinadadagdagan ng National Task Force against Covid -19

Umapila ang National Task Force against Covid-19 sa mga pribadong hospital sa Cebu City na dagdagan ang kanilang Bed capacity para maaccomodate ang tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng Covid-19 sa lungsod.

Sinabi ni National Task Force against Covid-19 Vice-Chairman Interior and Local government Secretary Eduardo Año na 30 percent bed capacity lamang ang inilaan ng mga hospital sa Cebu City para sa mga Covid-19 patient at ang 70 percent bed capacity ay para sa mga non-covid patient.

Ayon kay Secretary Año kung maaari sana ay gawing 50/50 na lamang ang ilaang bed capacity para ma-acommodate ang mga Covid patient.

Inihayag ni Año sa ngayon ang main hospital sa Cebu City na tumatanggap ng mga Covid-19 patient ay ang Vicente Sotto Medical center at kailangan pa rin ang tulong ng iba pang pribadong hospital.

Niliwanag ni Año na nagdagdag na rin ang pamahalaan ng mga isolation at quarantine facilities sa Cebu City para makontrol ang pagkalat ng virus sa lungsod.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

 

 

 

 

Please follow and like us: