COVID cases sa bansa, pumalo na sa 119,460
Umakyat na sa 119,460 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ( DOH ) ng 3,561 na mga bagong kaso ng virus infection kahapon.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region NCR ) na umabot sa 2,041.
Sinundan ng Laguna na may 222, Cebu 221, Cavite 100 at Rizal na may 81 mga bagong kaso.
May 569 namang naiulat na bagong gumaling sa COVID-19.
Dahil dito, aabot na ngayon sa 66,837 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa bansa.
Mayroong 28 naman ang naitalang namatay dahil sa virus.
Ayon sa DOH, mula sa 28 na nasawi, 10 ay ngayong Agosto, 16 noong Hulyo, isa noong Hunyo at at isa noong Mayo.
Sa ngayon, umakyat na sa 2,150 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID -19.
May 81 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso na kanilang naiulat kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.