Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Maynila hindi muna tatanggap ng non-COVID OB patients

Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno na hindi na muna tatanggap ng mga non-COVID OB patients o mga pasyenteng buntis o manganganak na walang Covid-19 ang Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Ayon kay Moreno, ito ay dahil naabot na ng ospital ang kanilang full capacity.

Sinabi ng alkalde na indefinite ang temporary stoppage na ito.

May mga expecting mothers din aniya ang ospital na ise-cessarian kaya naman para hindi ma-overwhelm masyado ang mga doktor ay humingi na rin sila ng tulong sa kalapit ospital gaya ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Layon din aniya ng temporary stoppage na ito na ma-deongest ang ospital, mamintina ang physical distancing sa mga pasyente at para maprotektahan ang mga staff ng ospital.

Sa isang advisory, sinabi ng management ng JJASGH na naabot na nila ang kanilang 233% occupancy rate.

Ibig sabihin naabot na umano ng ospital ang doble ng kanilang capacity.

May 6 na pasyente umano silang naghihintay na maisailalim sa cesarean section gayong 1 lamang ang kanilang operating room. Ang isa pa kasi umano nilang operating room ay inilaan sa COVID-19 patients.

May 31 pasyente rin umano sa kanilang Recovery Room gayong ang kapasidad nito ay 8 lamang.

 

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us: