Mga Senador, umapila sa Philhealth officials na magbitiw na sa puwesto
Pinagre-resign na ng mga Senador si Philhealth President Ricardo Morales at iba pang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).
Ayon kay Senador Imee Marcos dapat magpakita ng delicadeza ang mga opisyal at hindi na dapat hintaying isailalim sa preventive suspension.
Iginiit ni Marcos na wala ng tiwala ang publiko sa mga nakaupong opisyal ng ahensya katunayang nagbanta na ang maraming babawiin ang kanilang kontribusyon sa ahensya.
Kinukwestyon din ni Marcos si Morales bakit kinukwestyon ang paglabas ng sakit niya sa publiko matapos magsumite ng sulat sa Senado.
Giit ng Senador, wala namang idinagdag na impormasyon ang senado sa sulat ni Morales.
Buwelta naman ni Senate President Vicente Sotto, kung sa tingin ni Morales ay napahiya ito sa paglabas ng kaniyang sakit dapat bumaba na ito sa pwesto.
Paalala ni Sotto ang sinumang humahawak ng posisyon sa gobyerno ay walang karapatang mag-claim ng privacy.
Sabi ni Sotto kung hindi na nito makayanan ang matinding init dapat na nitong iwan ang posisyon.
Kahit nagsumite pa ng medical records at nagpasabing maysakit ang mga opisyal, hindi nito mapipigil ang pag-iimbestiga at posibleng pagrerekomenda ng kaso ng Senado.
Nauna nang umangal si Morales dahil hindi na umano nirespeto ang kaniyang privacy nang ilabas ng Senado ang kaniyang medical records tungkol sa sakit na lympoma.
Statement Senate Pres. Sotto:
“When you hold a high public office, you are a servant of, and answerable to, the people. There is no privacy!”
“If you cannot stand the heat, get out of the kitchen!”
That’s fine. It won’t stop our inquiry and other witnesses and testimonies from coming out. It won’t also stop the filing of charges against erring officials of Philhealth if warranted”
Ulat ni Meanne Corvera