Nursing Homes sa NZ, isinailalim sa lockdown
Isinailalim ang New Zealand sa lockdown ang lahat ng nursing at care homes sa buong bansa matapos muling magkaroon ng kaso ng COVID-19 makalipas ang 102 araw na pagiging COVID-free.
Ito ay dahil na rin sa posibleng maging transmission hotspots ng virus ang naturang mga nursing at care homes.
Ayon kay New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern, dahil sa outbreak ay mapipilitan din siyang suspendehin muna ang general election na nakatakda sanang ganapin sa susunod na buwan.
Dagdag pa ni Ardern, minamadali na ng mga awtoridad na ma-traced ang sinumang nagkaroon ng kontak sa apat na residente ng Auckland na nagpositibo sa virus, na hindi pa mabatid kung saan nila nakuha.
Inianunsyo rin kahapon ang three-day stay-at-home sa Auckland, pinakamalaking siyudad sa NZ na 1.5 milyong populasyon.
Matatandaan na ang New Zealand ay pinuri ng World Health Organization ( WHO ) bilang halimbawa kung paano mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19, kung saan 22 lamang ang naitalang pumanaw sa nasabing sakit mula sa 5-milyong populasyon at napigilan din ang community transmission sa loob ng tatlong buwan.
Agence France Presse