Smartphones, gagawing earthquake detectors ng Google
Gagawin na ring tremor detectors ng Google ang Android-powered Smartphones.
Ayon sa Google website, tatanggap ng warnings ang Android phones sa pamamagitan ng “Shakealert” Earthquake Early-Warning System, na ini-apply ng US Geological Survey ( USGS ) sa West Coast.
Ang Shakealert ay gumagamit ng signals mula sa daan-daang seismometers sa magkabilang panig ng estado para mag-trigger ng warning messages na nagsimula na ang lindol at malapit nang magkaroon ng mga pagyanig.
Kaugnay nito, inaanyayahan din ng Google ang sinuman na may Google Android operating software powered smartphones na maging bahagi ng pinakamalaking Earthquake Detection Network sa buong mundo.
Agence France Presse