Covid-19 Tracers at Satellite contact tracing offices, kumikilos sa Quezon City

Upang makatulong na ma-detect at mapigilan ang Covid-19 sa Quezon City, binuksan ng lokal na pamahalaan ang mga satellite offices at pinakilos ang mas maraming contact tracers sa naturang lungsod.

Itinaguyod sa District 3 at District 6 ang Satellite contact tracing offices para palawigin ang pagmo-monitor sa pinaghihinalaan at kumpirmadong kaso sa mga Barangay.

Bubuksan rin ang apat pang karagdagang Satellite offices sa ibang distrito sa mga susunod na araw.

Bumuo ang lokal na pamahalaan ng 90 grupo ng Field at Phone contact tracers at humingi ng tulong sa 300 Barangay contact tracers at 30 tauhan ng Philippine National Police.

Sa ngayon ay may 600 contact tracers sa QC.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, hangarin nilang pigilan ang virus sa pagkalat nito kaya patuloy nilang pinagiigihan ang mga estratihiya para tiyaking napapabagal ang transmission ng virus sa lungsod.

Binigyang diin ni Dr. Rolando Cruz, head ng City Epidemiology and Surveillance unit, ang importansya ng pagtukoy kung paano kumakalat ang sakit habang naghahanap pa ng lunas sa Covid-19.

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us: