Class Opening sa August 24 Ipinagpaliban
Ipinagpaliban ng Department of Education ang pagbubukas sana ng klase sa Agosto 24.
Ito’y sa kabila ng naunang pahayag ni Education Secretary Leonor Briones na all systems go na ang pagsisimula ng klase sa mga pampublikong eskwelahan sa buong bansa.
Ayon kay Briones, umabot na sa 23 million ang nagpa-enroll na mas mataas pa nga sa bilang ng mga nagpa-enroll noong nakaraang taon.
Umaasa ang kalihim na tataas pa ang enrollees lalo na sa mga private schools dahil sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.
Pagtiyak ng kalihim wala namang magaganap na face to face learning kahit pa sa mga lugar na kakaunti ang kaso ng Covid 19.
Blended learning ang gagamitin tulad online classes at pamamahagi ng learning materials.
Katunayan ayon sa kalihim binigyan nila ng go signal ang Inter-Agency Task Force na gamitin ang may 17 mga classrooms sa National Capital Region bilang mga isolation area at quarantine facilities ng mga suspected Covid cases.
Pero ang mga classrooms lamang na malalayo sa mga komunidad at mga pamayanan.
Deped Sec. Briones:
“Sa mga areas like NCR and Region 4-A na under close monitoring pa, hindi sila masyadong apektado dahil lahat ng classes natin ay online walang face-to-face until next year and until the President so declares. Sa pagre-recover ng economy, we look forward na lalong lalaki ang enrollment sa mga private schools as well”.
Ulat ni Meanne Corvera