Mga inmate sa Maximum security compound sa Bilibid, binakunahan laban sa influenza

 Nagsagawa ng Anti-Flu vaccination ang Bureau of Corrections sa mga Persons Deprived of Liberty o PDLs na nasa maximum security compound ng New Bilibid Prisons.

Ayon sa Bucor, target mabakunahan sa anim na araw na vaccination activity ang mahigit 18,000 PDLs sa Maximum security compound.

Babakunahan din ang iba pang mga inmates mula sa ibang security camps ng Bilibid sa oras na maging available ang flu vaccine.

Ang Bucor Directorate for Health and Services ang nangasiwa sa pagbabakuna.

Ang Flu vaccines o Flu shots ay para maprotektahan ang mga inmates mula sa impeksyon ng Influenza viruses.

Sinabi ng Bucor na partikular na vulnerable ang mga PDLs sa Influenza dahil sa kondisyon sa kulungan.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: