Health secretary Duque, tiniyak na dadalo sa pagdinig ng Senado bukas sa alegasyon ng katiwalian sa Philhealth

Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque sa liderato ng Senado na dadalo ito sa ikatlong pagdinig ng Senate Committee of the whole at bukas para magpaliwanag sa nabunyag na katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Ayon kay Senate President Vicente Sotto, nag-abiso sa kanya si Duque na  lalahok siya sa pagdinig sa  Video Conference.

Nauna nang napaulat na baka hindi makadalo si Duque dahil na expose ito kay DILG Secretary Eduardo Año na muling nag- positibo sa Covid-19.

Iginiit naman ni Senador Panfilo Lacson na ang pagiging exposed sa nagpositibo sa Covid-19 ay  hindi katatanggap-tanggap na excuse para hindi makadalo sa imbestigasyon dahil maaari naman nga na lumahok si Duque sa pamamagitan ng video conference.

Inaasahang magigisa si Duque sa pagharap sa Senate hearing dahil maraming Senador ang naniniwalang maraming dapat ipaliwanag si Duque sa mga sinasabing anomalya sa Philhealth.

Si Duque kasi ay ex-officio chairman ng Board of Directors ng Philhealth.

Ayon sa mga mambabatas, kapansin-pansin ang pananahimik ng kalihim sa kabila ng mga nabunyag na advance payment at overpricing sa  Philhealth.

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us: