Pasig city government, ipinagpaliban ang pagbabayad ng lahat ng regulatory fees ng mga pribadong paaralan
Hindi na muna oobligahin ang mga pribadong eskwelahan sa Pasig City na magbayad ng regulatory fees.
Sa ilalim ng ipinasang ordinansa ng Sangguniang Panlungsod ng Pasig, sinabi na waive o ipagpapaliban ang pagbabayad ng lahat ng regulatory fees para sa mga pribadong paaralang hanggang sa payagan na muli ang face-to-face classes.
Bukod dito, pinalawig din ng pamahalang lungsod ang Scholarship fund sa 3,000 indigent o mahihirap na estudyante sa mga Private schools.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, pinagtibay nila ang mga ordinansa dahi batid nila na nahihirapan din ang mga pribadong paaralan at ang iba ay nanganganib na magsara dahil sa pandemya.
Marami din aniya sa mga mag-aaral ng mga private schools ang hindi na kayang i-afford ang matrikula na pwedeng maging dahilan para mapuno o maging overcrowded ang mga pampublikong eskwelahan.
Ulat ni Moira Encina