Carmona, Cavite LGU, nakatanggap ng bagong ambulansya
Natanggap na ng lokal na pamahalaan ng Carmona sa Cavite ang bagong ambulansyang ipinagkaloob ng Department pf Health (DOH)-Region 4A na nakalaan para sa kanilang Rural Health unit.
Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Roy Loyola sa mga opisyal ng DOH Regional office partikular kay Director Dr. Eduardo Janairo.
Ayon sa alkalde, malaking tulong aniya ang ambulansya para sa paghahatid ng mga pasyenteng may Covid-19 maging ang paghahatid ng mga gamot at iba pang mga medical equipment na kailangan sa mga ospital.
Sa kabuuan, nasa 39 na mga ambulansya na ang naipamahagi ng DOH Regional office sa mga ospital at rural health units sa buong Calabarzon na bahagi ng Health Facility enhancement program ng DOH.
Matatandaang target ng DOH na makapamahagi ng 98 mga ambulansya para sa mga ospital at rural health units sa buong rehiyon.
Ulat ni Jet Hilario