Ingat buhay para sa hanapbuhay, ilulunsad sa gitna ng Covid-19
Isang kampanya ang ilulunsad ng pamahalan upang ipaalam sa publiko na maaari namang maghanap buhay kahit may kinakaharap na Pandemya.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ikakampanya ng gobyerno ang “Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay”.
Ang Ingat Buhay Para sa Hanap Buhay ay ipriprisenta kay Pangulong Rodrigo Duterte para aprubahan.
Sinabi ni Roque napapanahon ang programang Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay sa gitna na rin ng mainit na debate sa pagitan ng mga miyembro ng Inter Agency Task Force o IATF at UP expert group na nagsasabing kinakailangan manatili pa ring sarado ang ekonomiya at ipatupad ang mas mahigpit na quarantine protocol para makontrol ang pagkalat ng Covid 19.
Iginiit ni Roque kung walang matatanggap na ayuda ang mamamayan ang solusyon ay buksan ang ekonomiya at hayaang makapag- trabaho ang mga tao kaakibat ang kaukulang pag- iingat alinsunod sa minimum health standard na ipinairal ng Department of Health o DOH. Idinagdag ni Roque na isa siya sa mga naniniwalang maaaring ituloy ang buhay kahit may covid 19 at kailangang matutong mabuhay sa gitna ng pandemya.
Ulat ni Vic Somintac