Bagong Covid-19 Quarantine facilities, bubuksan sa Quezon City
Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagbubukas ng karagdagang Quarantine facility para sa mga kumpirmado at suspected patients ng covid-19.
Ang bagong pasilidad na nakatakdang buksan sa linggong ito ay ang ika-limang Hope Community-Caring Facility.
Matatagpuan ito sa Talipapa Senior High-school building.
Mayroon itong 67 na kama para sa mild at asymptomatic cases.
Ayon kay Quezon city Mayor Joy Belmonte, isa sa epektibong paraan upang makontrol at mapigil ang pagkalat ng virus ay isolation at maiwasan ang hawahan.
Kailangan anyang madagdagan ang mga Quarantine facilities upang mapangalagaan ang mga hindi nakakapag self-isolate sa kanilang tahanan.
Samantala, bubuksan din sa Quezon City General Hospital ang Quarantine Facility na may 336 kama sa loob ng compound nito
Ito ay tatawaging Hope 4 facility.
Mayroon ding itong apat na Dialysis machines at sampung kama na nakalaan para sa Covid-19 Dialysis patients.
Sinabi naman ni QC Covid-19 Task Force Head Joseph Juico, kailangang damihan ang mga pasilidad para sa mga Covid patients upang agad silang maibukod.
Sa ganitong paraan, mas mapoprotektahan ang kanilang mga pamilya lalo na ang mga high risk individuals tulad ng mga buntis, senior citizens at may mga comorbidities.
Ulat ni Belle Surara