Bagong ordinansang magpapaigting sa kampanya laban sa Covid-19, ipinalabas ng Cavite Provincial government

Ipinasa ng Cavite Provincial Government ang bagong ordinansang ipatutupad sa lalawigan para paigtingin ang kampanya laban sa Covid-19. 


Batay sa inilabas na Provincial Ordinance No. 294-2020, mahigpit na ipatutupad sa buong lalawigan ang Social distancing sa lahat ng mga lugar.


Ito ay para maiwasan na rin ang virus transmission at maagapan ang pagdami ng mga naitatalang kaso ng Covid-19 sa lalawigan. 


May kalakip na parusang aabot sa 2,000 piso at 4-hours Community service awareness campaign ang multa sa sinumang lalabag sa nasabing ordinansa. 


Umaasa naman ang mga opisyal ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite na susundin ito ng Caviteño para na rin sa kaligtasan ng bawat isa. 


Una nang nagpasa ang Provincial Government ng Cavite ng isa pang ordinansa kaugnay sa mandatory wearing of facemask kapag nasa labas ng tahanan. 

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: