Susunod na PhilHealth President dapat na may malawak na karanasan at kaalaman sa financial management at mga batas
Kung si Justice Secretary Menardo Guevarra ang tatanungin, dapat mayroong malawak na karanasan sa financial management ang susunod na PhilHealth President.
Ito ang inihayag ng kalihim matapos magbitiw na sa pwesto si PhilHealth President Ricardo Morales.
Ayon pa kay Guevarra, kailangan din na may malalim na pagkaunawa sa batas ang susunod na pinuno ng PhilHealth.
Charismatic din anya dapat ang bagong lider ng PhilHealth para ma-inspire at mahimok ang mga mabubuting tao sa ahensya na masimulang ibalik ang tiwala at respeto ng publiko sa PhilHealth.
Samantala, sinabi ng kalihim na maayos ang itinatakbo ng imbestigasyon ng Task Force PhilHealth.
Pero aminado si Guevarra na batid nila na hindi sinasabi ng kanilang resource persons ang lahat ng dapat na malaman ng Task Force sa mga isyu sa korporasyon.
Umaasa naman ang kalihim na pagkatapos ng kanilang imbestigasyon ay makabuo sila ng sapat na kaso laban sa mga tao na responsable sa mga problema sa ahensya kahit sila ay hindi na parte ng PhilHealth.
“Someone who has a steep experience in financial management and deep understanding of the law, and has a good amount of charisma to inspire and rally the good people at Philhealth to start rebuilding the public’s trust in and respect for their agency”. The quiet investigation being conducted by Task Force Philhealth is running well, although we are aware that our resource persons are not telling us everything that we ought to know. At the end of this investigation, we hope to be able to build up enough cases against persons responsible for the Philhealth mess, whether or not they continue to be in Philhealth’s employ”- SOJ Menardo Guevarra
-Moira Encina