Emergency service complex ng Jose Reyes Memorial Medical Center, nananatiling sarado
Nananatiling sarado ang Emergency service complex ng Jose Reyes Memorial Medical Center sa Maynila.
Sa advisory ng pamunuan ng pagamutan, sarado ang ER ng JRRMMC hanggang sa Lunes, August 31.
Ito ay bilang pagsunod sa pinaigting na health standard ng pamahalaan.
Nauna nang inanunsyo ng ospital ang pansamantalang pagsasara ng ER nila mula August 19 hanggang August 26, para isailalim sa disinfection at decontamination, at pagrenovate sa ER pero napalawig ito.
Umapila naman ng pang-unawa ang JRRMMC mula sa publiko dahil sa patuloy na pagsasara ng ER.
Kailangan pa kasi umanong kumpunihin ang pasilidad ng Emergency Service Complex upang maging maging mas ligtas at mas kapaki-pakinabang para sa lahat.
Ang mga pasyente na dadalhin sa ER ng JRRMMC ay ililipat muna sa Tondo Medical Center kapag walang COVID-19 o sa San Lazaro Hospital at Dr. Jose Rodriguez Medical Center sa Caloocan naman kung may COVID-19 ang pasyente.
Sa September 1 inaasahang magbabalik-serbisyo ang ER ng JRRMMC.
Tuloy-tuloy naman ang online consultation ng ospital, mula Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
-Madz Moratillo