Total Covid-19 cases sa bansa, umabot na sa 213,131
Umakyat na 213,131 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong araw.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y matapos maragdag ang 3,637 bagong mga kaso.
Ito ay resulta ng nasa 102 kabuuang test na naisagawa mula sa 110 operational laboratOries.
Nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming naitalang bagong mga kaso na umaabot sa 1,648 o 54% ng kabuuang kaso.
Sumunod ang Region 4A na may 560 kumpirmadong kaso o 18% ng kabuuang kaso at Region 3 na may 222 cases o 7% ng kabuuang kaso.
Samantala, pumalo naman sa 3,419 ang bilang ng mga namatay sa buong bansa dahil sa Covid-19.
Nananatiling nangunguna pa rin ang NCR sa may pinakamataas na death toll na umaabot sa 57% ng total deaths sa bansa.
Region 4A-17%, Region 3-15%, Region 6-4%, Region 9-3%, Region 7-1%.
Ang total recoveries ay umaabot na sa 135, 101.