Saan nga ba dapat itutok ang thermometer gun?
Pinabulaanan ng mga health experts sa iba’t-ibang mga bansa ang isang viral video na nagsasabing may masamang epekto sa kalusugan ang pagtutok ng thermometer gun sa ulo o sa noo.
Paliwanag ng mga eksperto, wala namang infrared na inilalabas ang temperature gun, sa halip ay dini-detect lamang nito ang thermal radiation na inilalabas ng katawan ng tao, kaya’t nakukuha ang temperatura ng katawan.
Sa kabila nito, may ilan pa ring hindi komportableng “barilin” sila sa noo ng thermometer gun, na minsan ay nagiging sanhi ng pagtatalo kung maaari bang makuha ang tamang temperature ng isang tao kung hindi sa noo itututok ang thermometer gun?
Basahin ang paliwanag ni Dr. Ted Herbosa, Dr. Ted Herbosa, Special Adviser ng National Task Force Against Covid 19.